Saturday, 12 November 2011

Sa Mol, Nakita Din Kita

sa mol
nadoon ako kanina
maghapon
nagbabakasakaling andoon ka rin
kasi excited akong makita ka
ano na ba ang itsura mo?
gumanda?
pumayat?
umaliawalas ang mukha?


sa place na una tayong nag EB noon
doon ako nakatayo
bawat tao sa escalator
inaabangan ko
ngunit d ko nakita
anino mo man lang.
sa may elevator ako pumunta
nagtunganga
habang minamasdan
mga tao sa pasilyo
baka ikako andun ka
ngunit wala pa rin.


gumawi ako sa foodcourt
naalala mo ba
kung san tau nagdidate dati
tusok ng fishballs at kikiam
sabay sip ng palamig
na parang bang angus steak
and red wine sa mamahaling resto
tinitignan ko ang mga tao
kung andun ka
pero wala pa rin.


lumabas ako
humithit ng philip
nakadalawang stick yata ako
habang nagmamasid
sa mga passers by
nagbabakasakaling wala ka pa sa loob
at andun ka
ngunit ganun pa rin
di kita nakita.


ano ba talaga
'di ka man lang magparamdam
ahhh... isipin ko na lang
na nakita kita
dun sa may escalator, sa elevator, sa foodcourt
na miss mo ba ako?


ilusyon na lang
o mapait na katotohanang
wala na taung dalawa?


o kung meron pa man
bakit di ka magparamdam, sinta?


pahabol....
nakita kita sa terminal ng van....
may kasamang iba!