parang isang milyon taon ang nagdaan
mula nang kita ay huling namasdan
tila isang napakahabang daan
para lang kita ay masundan.
may mga bagay na sa atin ay naglayo
may mga panahong nagkalimutan tayo
hindi man lang magkatitigan sa ating pagsasalubong
sa malaiit at makipot napasilyo, sa iisang bubong.
tila naglalaro ang tadhana
ang dating kinang ng pagkakaibigan ay naglaho, nawala
sa tagal ng panahong yaon ikaw ang naalala
ang tanong ko sa sarili, bakit nagbago, bakit nga ba?
ngunit lahat ng pait sa buhay ay naglalaho
ngayon andito ka na ulit sa tabi ko
nagkukuwentuhan, tila walang kapaguran
sinusulit ang mga panahong nagdaan.
salamat at tayo ay nagising sa isang masamang bangungot
salamat na sa panahong nawala di pa rin tayo lumimot
ang buhay ay naging masaya dahil sa iyo
salamat kaibigan, sa lahat ng iyong turo.
sa lahat ng araw, sana ay nandiyan ka
sa ulan at bagyo, lindol o baha
sa sarap at hirap, nasa tabi kita
ang lumimot ay pangit, iyon ay ating sumpa sa isa't-isa.
No comments:
Post a Comment